Message of KASTAN CPA-Abra on the 36th Cordillera Day
Pakikiisa sa Paggunita ng Makasaysayan at siyang tunay na Araw ng Kordilyera: Strengthen our Unity and Courageously Defend our Ancestral Land and Life!
April 24, 2020
KAMTIN ANG TAGUMPAY SA PAGSUGPO SA SALOT NA SAKIT NG LIPUNAN! SAMA-SAMANG KUMILOS, IPAGLABAN ANG KARAPATAN – KAMTIN ANG LUNAS AT KAPAYAPAAN!
ANG KAKAILIAN SALAKNIBAN TAY’ AMIN A NAGTAUDAN (KASTAN CPA-Abra) ay buong-lakas at giting na nakikiisa sa paggunita ng ika-36 na taong selebrasyon ng Cordillera Day ngayong April 23-25, 2020; na may diwang pagtagumpayan ang laban ng mamamayan kontra sa pandemyang Covid-19 at iba pang salot na sakit ng lipunan. Sa pamamagitan ng ating mas malakas, malawak at ibayong pagkakaisa upang ipagtanggol ang ating lupang ninuno at buhay, IBAYO TAYONG MAGTATAGUMPAY!
Hindi man sa anyo ng pagtitipon at malakihang mobilisasyon ang paggunita nito, dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon, nararapat lamang na gunitain sa iba’t-ibang pamamaraan ang kabuluhan at kahalagan ng pagdiriwang na ito -- na syang buhay na nagpapatunay sa dakilang ambag ng Kordilyera sa pambansang pag-unlad ng kamalayan at pagkilala sa karapatan ng mga pambansang minorya ating kinabibilangan.
PABILGEN YE PANAG IS ISSA KEN TURED NGA DEPENSAAN YE NAINSIGUDAN NGA GINET KIN BIAG!
Gamitin natin itong pagkakataon na imulat at organisahin ang ating mga isipan upang sama-samang kumilos (anuman ang porma at anyo nito) upang itaguyod ang karapatan ng mga pambansang minorya para sa lupang-ninuno at sariling-pagpapasya kung gayon ay maipagtanggol ang lupa, buhay, dangal at mga rekurso na ipinaglaban at minana pa natin sa ating mga ninuno.
Ito ang panahon na pakahalagahan natin ang kabuluhan ng ating pakikibaka, na dugo at pawis ang ipinuhunan at patuloy na isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan. Maningning ang ating kasaysayan ng kabayanihan at mga sakripisyo kahit man hanggang kamatayan; mga pakikibakang tanyag sa buong kapuluan – Ang pagpapatigil sa Logging Concession ng Cellophil, pakikibakang kontra sa pagtatayo ng Chico Dam, at iba pang kilusan ng mamamayan.
PABILGEN SIT PANAG IS ISSA KEN NATURED NGA DEPENSAAN SIT NAINSIGUDAN NGA PITA KEN BIAG!
Bigyang halaga natin na ang buhay na ibinuwis nila Ama Macli-ing Dulag, Ama Pedro Dungoc, Ama Lumbaya, Ama Daniel Ngayaan, Ina a Petra Macli-ing, at iba pang bayani at martir ng Kordilyera. Sila ang mga bantayog ng tunay na kabayanihan. Sila’y gawing inspirasyon at huwaran sa walang-pagod, matapang at hindi-makasariling paglilingkod sa kapwa nila pambansang minorya at kapwa Pilipino.
TI AKTIBISTA KET SAAN A TERORISTA!
AMIN-A-BENNEG NGA AGTIGNAY TAPNO ILABAN TI KARBENGAN, DAGA, BIAG, DAYAW KEN REKURSO!
PAGSERBIAN TI UMILI! AGBIAG TI ALDAW KORDILYERA!