cpa@cpaphils.org | Post Office Box 975 Baguio City 2600 Philippines

FAMILY AND KIN OF KILLED OFW, MARY JEAN BALAG-EY ALBERTO, CALL FOR JUSTICE, IMMEDIATE INVESTIGATION AND REPATRIATION

October 10, 2019

The family and kin of Mary Jean Balag-ey Alberto are calling for justice, impartial investigation and immediate repatriation of her remains from Abu Dhabi to the Philippines. Mary Jean was an Overseas Filipino Worker in Abu Dhabi and was allegedly killed by her Moroccan employer last October 2. Mary Jean’s father hails from Guinaang, Bontoc, Mountain Province. Her body is currently at the Sheik Khalifa Hospital, Abu Dhabi.

According to Windel Balag-ey Bolinget, first cousin of Mary Jean, “Noong October 4 lang kami nakatanggap ng balita na kumalat sa facebook na may namatay na isang kababayan at ang tinutukoy ay si Mary Jean Balag-ey Alberto. Hinulog si Mary Jean mula 13th floor. Batay sa paabot ng kapamilya na nasa Abu Dhabi ay October 2 namatay si Mary Jean. Tatlong buwan pa lang sa Abu Dhabi si Mary Jean.”

“Ayon sa text message mula sa isa sa mga anak ni Mary Jean, ‘Hinulog si Mary Jean mula sa 13th floor at ang katawan ay nasa hindi makatarungang estado. Maaring rason para mahirapan silang alamin at suriin ang cause of death. Ilang anggulo: maaring patay na siya bago hinulog, maaring may threat sa kanya kaya sa takot ay sinubukan niyang tumakas ngunit nahulog, maaring sap ag-aaway nila ay hinulog siya, at iba pang anggulo. Iisa lamang ang sigurado ko, may nangyari sa kanilang matinding pag-aaway ng kanyang amo a nagdulot ng pagkamatay ng mama ko. Alam ko bilang anak na wala siyang dahilan para kusang magpakamatay. Yan ang sinisigurado ko,’ said Bolinget.

“Tama ang pagtingin at paniniwala ng anak ni Mary Jean na hindi nagpakamatay ang nanay niya. Walang dahilan na basta siya magpakamatay. Ito ay kaso ng pagpatay ng amo sa isang babaeng OFW na si Mary Jean. Maaring pinahirapan at pinatay muna bago hinulog mula sa 13th floor o kaya’y namatay dahil sa paghulog sa kanya” added Bolinget.

Bolinget added, “Bago pinatay si Mary Jean ay may text message siya sa ate niyang si Marie Balag-ey na nasa Abu Dhabi rin. [Nasa baba ang screenshot ng mensahe.] Kung babasahin ang huling mensahe ni Mary Jean sa ate niyang si Marie, less than 24 hours bago siya pinatay, malinaw na may banta sa buhay ni Mary Jean. Nagmamakaawa sa ate na tulungan siya. Pinahirapan siya ng babaeng amo (muntik sakalin, hindi pinapakain, etc). Ayon pa kay Mary Jean, ‘pinagbibintangan na niya ako kay hamood’ at mas gusto pa raw niyang makulong kaysa magpatuloy ang kanyang nararanasan. Maaaring ang ibig sabihin sa ‘pinagbibintangan na niya ako kay hamod’ ay may halong pagseselos ang babaeng amo.”

“Nagpapanawagan kami ng impartial investigation para lumitaw ang katotohanan at hindi cover-up na palalabasing suicide; panagutin ang among pumatay o sinumang nagkasala (bitayin o ikulong); sagutin ang lahat ng repatriation at burial expenses; ipagtanggol ng gobyernong Duterte ang mga OFWs (documented o hindi) at tulungan ang pamilya na maayos na maiuwi sa pinakamaagang panahon ang bangkay ni Mary Jean at bigyan ng maayos na libing. Patampukin ang pinakaugat bakit napipilitan ang mga kababayan na lumuwas at magtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng ganitong mga pangyayari: kawalan ng hanapbuhay at trabaho dito dahil sa kawalan ng tunay na pag-unlad, pambansang industralisasyon at tunay na reporma sa lupa na lalong tumindi sa ilalim ng rehimeng Duterte” said Bolinget.

Reference:
Windel Balag-ey Bolinget
First cousin of Mary Jean
Chairperson, Cordillera Peoples Alliance
#JusticeforMaryJean #BringMaryJeanHome

Share this:

Facebook Add your 16x16px image here